Wednesday, September 28, 2011

Five as in Lima

While strolling along Clarke Quay (Purple MRT Line), naka-limang hirit ang isang bata:

1. Habang naglalakad, nag-kiss ang lolo. Tinanong ko...
Me: "O? Para san yun?"
Bert: "Ayan o."
Sabay turo sa advertisement ng Sunkist.
Me: (slow) "So?"
Bert: "Isang kiss. (Sunkist). Masunurin ako eh! Ayun pa o!"
(Kiss ulit sabay turo isa pang Sunkist ad)

Nyi.

2. Nakakailang steps pa lang nagtanong uli ang bata:
Bert: Sino si Paul?
Me: Huh?
Bert: Si Paul. Sabi kasi o.. Purple (For Paul). Para sa kanya kaya itong tren na to?

Duh. We're in the Purple MRT line. Hay...

3. Napadaan kami sa isang tunnel.
Bert: Wow ganda pala dito.
Me: Oo nga. Di pa natin ito nakikita.
Bert: Pag ganito para lang tayong Lucy.
Me: Huh anong Lucy?
Bert: Lucy Tourist!

Wahahahaha!

4. Nagtanong ang bebe:
Bert: Sinong fairy ang hindi mo makikilala?
Me: Huh? Meron bang ganun?
Bert: Oo. Yun fairy na secret.
Me: Huh? Cge sino?
Bert: Edi c TOOOOOOTTTT fairy. Diba Tooootttt fairy.
Censored na kung sino siyang fairy.

Duh. Ano ka tv show? Hehehee.

5. Sa MRT, nakatayo kami:
Bert: O sandal ka sakin.
Me: Ayoko. DIto na lang ako.
Bert: Cge na sandal ka na. Bakit ka pa nag-sandals kung di ka sasandal.

Nyahhhhh! Bow.

No comments:

Post a Comment