Tuesday, December 20, 2011

Xmas season

Sa Christmas party namin sa house ng kuya ni L, nagcomment ang lolo:

Bert: Big time ang Kuya ni L noh?
Cat: Oo nga. Nakatira sa condo eh. Anu kaya ang work nya?
Bert: Sa planta ang alam ko. Pero grabe noh big time!
Cat: Panong big time ba? Malaki sweldo?
Bert: Tingnan mo yun relo nya o... ang laki. Big time!

Grrrr....

Isang Simbang gabi.

Cat: Ayos ang choir, may flute pa sila.
Bert: Asan?
Cat: Ayun o sa may isang babae.
Bert: Huh? Asan dun?
Cat: Ayun tingnan mo yun babaeng nakaitim sa tabi ng organ.
Bert: Ahhhh FLUTE!
Cat: Oo nga flute nga. Anu ba sinabi ko?
Bert: Akala ko yun lumulutang!

Float. Bow. Bwahahahahahah! (Ganyan tawa ko kahit nasa simbahan kami!)