Naka-tatlong dyoktaym ngayon ang Berto ko.
While browsing thru swimming apparel, nag-advice ang lolo ko.
Bert: Uy wag kang bibili ng board shorts!
Carlo: Bakit naman?
Bert: Kung gusto mo maging masaya bakasyon mo.
Kami: Huh???
Bert: Para di kayo BORED!
Hmp!
Habang nag-grocery, nakakita sya ng Caramel flavored popcorn.
Bert: Grabe noh! Buti pa si Ka Bernabe at sila Ka Remedios, nahuli na!
(referring to a telenovela about NPAs)
Kami: Huh?.... Ah oo nga.... (litong lito lang)
Bert: Si Ka-Ramel hindi pa! Delikado!
Grrrrr...
At ang pangatlo...
Nasa appliance center kami, nagtanong sya kay Joanne.
Bert: Kilala nyo ba kung sino ang nag imbento ng oven?
Joanne: Sino kuya?
Bert: Hindi nyo alam? Si Michael Jackson!
Kami: Huh? (kamot sa ulo, si Joanne tumatawa na waiting for the punchline)
Bert: Diba sya kumanta ng "Oh-Ben the two of us need look no more..."
Ayun napauwi kami ng di oras sa inis hahahaha!
No comments:
Post a Comment